Tumanggap ng Nasyonal na pagkilala bilang Best Educational Technology Innovation Program ang “e-PNS” — Learning Management System (LMS) na likhang talino at pagkamalikhain ng mga guro ng 天美传媒 na sina Alexis D. Diosaban at Napthalie M. Andre-e.

Kabilang ang “e-PNS” sa tatlong ginawaran sa Rehiyon ng MIMAROPA na tumanggap ng prestihiyong tropeyo at sertipiko sa kauna-unahang DepEd EdTech Awards 2022, na isang inisyatibo ng DepEd – Office of the Undersecretary for Administration na ginanap sa Teacher’s Camp, Lungsod ng Baguio, Hunyo 22. Tinanggap nina

Diosaban at Andre-e ang karangalan kasama sina MIMAROPA Regional Dir. Nicolas T. Capulong, CESO III; Alfredo Alpil M. Camacho III na nagpresenta para kay Dr. Eduardo G. Santos, Punong-guro IV ng PNS; at Richard Deo Fondevilla, DepEd PPC ICT. Ang “e-PNS – LMS” ay isang Open Educational Resource na inisyatiba nina

Diosaban at Andre-e bilang bahagi ng Learning Continuity Plan ng PNS sa pamumuno ni Dr. Santos. Ito ang naging pangunahing inobasyon ng PNS sa nakalipas na dalawang taon bilang tugon sa pagbabagong-bihis ng sistema ng edukasyon at pagpapatupad ng distance learning modality sa mga paaralan.

Hanggang sa kasalukuyan ay napakikinabangan pa rin ng mga guro at mag-aaral ng PNS ang nasabing tekno-inobasyon lalo na sa mga mag-aaral na online at digital. Ito ay nagpapatunay na ang kaguruan at pamunuan ng PNS ay handang laging gumawa ng mga paraan upang masiguro ang patuloy na paghahatid ng karunungan kahit nasa gitna ng pandemya.”

Isa sa mga 21st Century skills na dapat matutuhan ay ang computer literacy, na isang demand sa future workplace ng mga mag-aaral. Kasama ang mga guro sa PNS, nais naming ihanda ang mga estudyante gamit ang ganitong inobasyon,” pahayag nina Diosaban at Andre-e ukol sa kanilang inspirasyon sa paglikha ng e-PNS.

Author